Tungkol: Basyal v Mac’s Convenience Stores Inc.

Ang sama-samang legal na aksyon ng paghahabla ay napatunayan sa British Columbia para sa mga paghahabol laban sa Mac’s Convenience Stores, Overseas Immigration Services Inc., Overseas Career at Consulting Services Ltd., na nagsasabi na ang Overseas at Trident ay naniningil ng bayad para sa mga trabaho sa Mac’s Convenience Stores at ang Mac’s ay nilabag ang kontrata sa trabaho ng mga manggagawa na dumating sa Canada: Prakash Basyal, Arthur Gortifacion Cajes, Edlyn Tesorero, at Bishnu Khadka v. Mac’s Convenience Stores Inc., Overseas Immigration Services Inc., Overseas Career and Consulting Services Ltd. at Trident Immigration Services Ltd., Supreme Court of British Columbia, Vancouver Registry No. S-1510284.

Ipinapakita sa mga talaan ng mga Isinasakdal na ikaw ay maaaring maisama sa pinagsamang legal na pagkilos. Maaari kang maisama kung ikaw ay:

1.            Nagbayad sa Overseas Immigration Services Inc., Overseas Career at Consulting Services Ltd., at/o Trident Immigration Services Ltd.

AT

2.           pagkatapos gawin ang pagbabayad, nakatanggap ka ng kontrata sa trabaho para magtrabaho sa isang Mac’s Convenience Store sa British Columbia, Alberta, the Northwest Territories o Saskatchewan sa ilalim ng programang Temporary Foreign Worker ng Canada at pumayag kang magtrabaho sa Mac’s.

ANG DEMANDA

Sinasabi ng demanda na ang mga kinatawan ng Overseas ay nagsabi sa mga dayuhang manggagawa na makakakuha sila ng mga trabaho sa Canada kapalit ng bayad na ang mga dayuhang manggagawang ito ay binigyan ng mga kontrata sa pagtatrabaho sa Mac’s sa ilalim ng Temporary Foreign Worker Program ng Canada. Sinasabi ng demanda na ang mga bayarin na ito ay labag sa batas. Sinasabi rin sa demanda na marami sa mga dayuhang manggagawa na dumating sa Canada ay hindi nabigyan ng trabaho gaya ng ipinangako sa kanilang mga kontrata sa pagtatrabaho.

Ang mga paratang sa aksyong ito ay ikinaila ng mga Isinasakdal.

Maaari mong tingnan ang mga dokumentong nauugnay sa demandang ito online sa    www.macsclassaction.com

ANG PANGKAT O CLASS

Ang pinagsamang ligal na aksyon o class action ay napatunayan sa ngalan ng:

lahat ng mga tao na, sa o pagkatapos ng Disyembre 11, 2009, hanggang sa petsa na itinakda ng Korte ng hindi pag-lahok, nagbayad sa Overseas Immigration Services Inc., Overseas Career and Consulting Services Ltd. (kolektibox, “Overseas”) o/at Trident Immigration Services Ltd. (“Trident Immigration”) kapalit ng trabaho sa Mac’s at pagkatapos noon ay binigyan sila ng mga kontrata sa pag-empleyo na nag-aalok ng trabaho sa Mac’s Convenience Stores na pinamamahalaan ng Mac’s Convenience Stores Inc. sa British Columbia, Alberta, the Northwest Territories at Saskatchewan (“Kanlurang Canada”) sa ilalim ng Temporary Foreign Worker Program ng Canada, kung aling alok ay kanilang tinanggap (ang “Class”).

Ang isang subclass ay napatunayan bilang:

Lahat ng mga tao na, sa o pagkatapos ng Disyembre 11, 2009, hanggang sa petsa na itinakda ng Korte ng hindi pag-lahok, nagbayad sa Overseas Immigration Services Inc., Overseas Career and Consulting Services Ltd. at/o Trident Immigration Services at na pagkatapos nito ay:

i.           pumasok sa isang may bisang kasunduan (ibig sabihin, ang mga kontrata kung saan ang lahat ng naunang kundisyon ay nasiyahan o tinalikuran) ng pag-empleyo sa mga Convenience store ng Mac’s upang magtrabaho sa Kanlurang Canada sa ilalim ng Temporary Foreign Worker Program ng Canada;

ii.             nakakuha ng lehitimong permit sa trabaho at (kung kinakailangan) mga travel visa upang makapasok sa Canada upang isagawa ang naturang trabaho;

iii.            lehitimong pumasok sa Canada at nag-ulat na magtrabaho ayon sa inaasahan ng kanilang mga kontrata sa pagtatrabaho, at

iv.            sila ay hindi binigyan ng Mac’s ng kahit anuman lang na trabaho, o hindi pinagkalooban ng trabaho sa itinakdang halaga na tinukoy sa kontrata ng pagtatrabaho o kung kanino ang Mac’s ay nabigong magbayad ng mga gastos na may kaugnayan sa tirahan o mga gastos sa pagbyahe na kung saan ang Mac’s ay obligadong bayaran ito ayon sa ilalim ng naturang kontrata sa pagtatrabaho.

ANG MAGKABILANG PANIG

Ang mga kinatawan ng mga nagsasakdal na naaprubahan ng Korte upang kumatawan sa Pangkat o Class at ang Subclass ay sina Prakash Basyal, Bishnu Khadka, Arthur Gortifacion Cajes, at Edlyn Tesorero.

Ang mga Isinasakdal sa aksiyon ay sina:

  1. Mac’s Convenience Store Inc.;
  2. Overseas Immigration Services Inc.;
  3. Overseas Career and Consulting Services Ltd.; at
  4. Trident Immigration Services Ltd.

MGA BUNGA NG SERTIPIKASYON NG PAGHAHABLA BILANG ISANG SAMA-SAMANG LIGAL NA AKSYON O CLASS ACTION

Ngayong napatunayang ang demanda bilang isang pinagsamang legal na aksyon o class action, ang mga paghahabol ng mga kinatawan ng nagsasakdal ay gagamitin upang matukoy ang ligal na responsibilidad ng mga Isinasakdal na bayaran ang Mga Miyembro ng pangkat o class para sa mga diumanong pagkaluging naranasan.

Ang desisyon sa mga karaniwang isyu kung pabor man o hindi ay magbubuklod sa lahat ng Miyembro ng Pangkat. Mapapatali ka sa resulta ng pinagsamang legal na aksyon – kung ang demanda ay matagumpay o hindi matagumpay –    at hindi mo magagawang simulan o ituloy ang iyong sariling legal na paghahabol laban sa mga Nasasakdal. Ang isang listahan ng mga karaniwang isyu ay nakalakip sa dulo ng liham na ito.

Ang mga miyembro ng pangkat o class ay walang karapatan na direktang makilahok sa demanda maliban kung partikular na pinahihintulutan ng Korte.

ANO ANG KAILANGAN KONG GAWIN PARA MAKASALI?

  • Kung gusto mong maging bahagi ng class action na ito, wala kang kailangang gawin para makasali sa demanda. Awtomatiko kang kasama maliban kung ipaalam mo sa amin na pinipili mong huwag lumahok. Mangyaring ibigay sa amin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan upang patuloy ka naming mapanatiling i-update sa pag-usad ng demandang ito.
  • Kung ayaw mong maging bahagi ng sama-samang ligal na aksyon (class action) na ito, kailangan mong huwag lumahok sa demanda sa pamamagitan ng pagpirma at pagpapadala sa koreo ng Court-approved Opt Out Form sa alinmang address sa ibaba na minarkahan sa tanggapan ng koreo nang hindi lalampas sa Abril 2, 2022.

Koskie Glavin Gordon
1650 – 409 Granville Street
Vancouver, B.C. V6C 1T2
T
604-734-8001 F 604-734-8004
E
classaction.koskieglavin@gmail.com
W
www.koskieglavin.com

Allevato Quail and Roy
1943 East Hastings Street
Vancouver, BC V5L 1T5
T 604.424.8637   F 604.424.8632
E classaction@aqrlaw.ca
W www.aqrlaw.ca

Ang form ng hindi paglahok o opt-out ay nakalakip ngunit makukuha rin sa mga website ng www.kloskieglavin.com at www.aqrlaw.ca

Kung ikaw ay hindi lalahok sa sama-samang legal na aksyon na ito, dapat mong malaman na may mahigpit na ipinapatupad na limitasyon sa oras kung saan dapat kang gumawa ng pormal na legal na aksyon upang ituloy ang iyong paghahabol. Sa pamamagitan ng hindi paglahok sa sama-samang ligal na aksyon o class action, aakohin mo ang buong responsibilidad para sa pagkuha ng legal na payo tungkol sa limitadong panahon at para sa pagsasagawa ng lahat ng ligal na hakbang na kinakailangan upang maprotektahan ang iyong paghahabol.

Ang lahat ng miyembro ng pangkat ay mapapatali sa hatol ng Korte sa mga karaniwang isyu maliban kung sila ay nagpasyang hindi sumali sa pangkat o class.

INDEPENDIYENTENG LEGAL NA PAYO

Bago ka magpasya kung hindi lalahok sa class action o sa pinagsamang legal na aksyon, inirerekomenda na kumuha ka ng legal na payo tungkol sa iyong mga legal na karapatan at opsyon.

PAANO MAGPAPATULOY ANG KASO

Ang sama-samang legal na aksyon ay may dalawang yugto.

Ang unang yugto ay ang paglutas ng mga karaniwang isyu. Ang isang listahan ng mga karaniwang isyu ay makukuha sa Koskie Glavin Gordon o Allevato Quail and Roy: www.koskieglavin.com o www.aqrlaw.ca.

Kung ang mga karaniwang isyung ito ay naresolba nang pabor sa Pangkat o Class, sa ikalawang yugto ay tutukuyin ng hukuman kung anong mga karagdagang hakbang, kung mayroon man, ang kailangang gawin ng mga Miyembro ng pangkat o class upang matukoy kung sila ay may karapatan na mabawi ang anumang pinsala, at sa kung anong halaga.

ANG MGA ABOGADO AT ANG KANILANG MGA BAYAD

Ang Class o Pangkat ay kinakatawan ng sumusunod na dalawang kompanya ng mga abogado o law firm:

Koskie Glavin Gordon
1650 – 409 Granville Street
Vancouver, B.C. V6C 1T2
T
604-734-8001 F 604-734-8004
E
classaction.koskieglavin@gmail.com
W
www.koskieglavin.com

Allevato Quail and Roy
1943 East Hastings Street
Vancouver, BC V5L 1T5
T 604.424.8637   F 604.424.8632
E classaction@aqrlaw.ca
W www.aqrlaw.ca

Ang mga miyembro ng pangkat o class ay dapat makipag-ugnayan sa alinman sa mga kompanya sa itaas para sa anumang mga kahilingan para sa karagdagang impormasyon. Maaari kang mag-iwan ng mensahe sa email o mensahe sa telepono sa mga numero sa itaas.

Hindi mo kailangang magbayad ng anumang pera upang lumahok sa demanda.

Ang Tagapayo ng Class o pangkat ay maniningil ng bayad ng hindi lalampas ng mahigit sa 30% halaga ng anumang kasunduan o paghatol kasama ang mga paluwal at naaangkop na mga buwis sa unang singilin sa anumang pagbawi, na sang-ayunan ng Korte Suprema ng British Columbia. Ang pagsasaayos ng bayad ay napapailalim sa pag-apruba ng korte at ang naaprubahang bayad ay maaaring mas mababa sa maximum. HINDI mo kailangang magbayad ng anumang halaga maliban kung may pagbawi. Ang anumang naturang pagbabayad ay ibabawas mula sa iyong bahagi ng pagbawi.

Ang kinatawan ng nagsasakdal ay tuturuan ang mga abogado para sa pangkat o class sa yugto ng mga karaniwang isyu. Ang mga abogado ay dapat kumilos para sa kapakanan ng lahat ng miyembro ng pangkat o class. Kung nais ng sinumang miyembro ng pangkat na lumahok sa kanilang sariling ngalan sa yugto ng karaniwang isyu ng paglilitis, dapat silang mag-apply sa Korte Suprema ng British Columbia.

TANONG?

Ang mga Miyembro ng pangkat o class ay maaaring makakuha ng higit pang impormasyon sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa Tagapayo ng pangkat sa mga address at numerong itinakda sa itaas.

Ang Abisong ito ay inaprubahan ng Korte Suprema ng BC.

DOCUMENTS

Karaniwang Isyu

FORM sa PAG-OPT OUT